Lyrics of Apat-apat Magtanim ay di biro - Filipino Folk Songs

Saturday, June 27, 2015 | 11:43 PM


Lyrics of Apat-apat Magtanim ay di biro - Filipino Folk Songs

Magtanim hindi biro
Maghapong nakayuko
Di naman makaupo
Di naman makatayo

Baywang ko'y nangangawit
Braso ko'y namamanhid
Binti ko'y namimitig
Sa pagkababad sa putik.

Ulitin 1, 2

Halina, halina, mga kaliyag
Tayo'y magsipag-unat-unat
Magpanibago tayo ng lakas
Para sa araw ng bukas. 2x

Sa bukid ang taniman
Ay panay kumbidahan
Ang diwa ng tulungan
Ang siyang umiiral

Kung oras ng mirindal
ay mayrong mangga't suman
At panay ang tuksuhan
Ng binata't kadalagahan.

Taniman sa bukid ay panay kumbidahan
Pagkat ang tulungan ang siyang umiiral
Oras ng mirindal mayron pang mangga't suman
Panay ang tuksuhan, binata't kadalagahan.

Halina, halina tayo'y magtanim
ng palay sa ating bukirin
At ..................... 
Ating lupa'y pagyamanin.

Halina, halina makipagtulungan
Layuning tunay makabayan
Palay ang ating kabukiran
Upang umunlad ang bayan.
Filipino Folk Songs

Feel free to share Pinoy Lyrics Tambayan to everyone who is looking for accurate and reliable song lyrics.

0 comments:

Post a Comment