Lyrics of Dedma by Abra
Nung ako umalis, pintig ng puso’y kay bilis
Punumpuno ng pag-asang makikita kang muli
Ako’y nanabik sa ‘yong yakap at halik
Ikaw ang laging nasa isip at panaginip
Dito sa Gitnang Silangan, lungkot nadarama
Naalala na magkasama pa tayong dalawa
Ang ating sumpaan, na magmamahalan
Ay laging nasa puso at isipan
Binalot ng pagmamahal, binalot ng pag-iibigan
Kahit malayo ka sa piling ko, pag-ibig ay walang hanggan
Tukso ay aking iiwasan, ang puso mo ay iingatan
Kahit noon pa man at magpakialanman
Tayo’y binalot ng pagmamahal
At dumating na nga ang panahon na ika’y nandito na
Dito sa Gitnang Silangan, tayo ngayo’y magkasama
Magkasama sa hirap at ginhawa
Binalot ng pagmamahal, binalot ng pag-iibigan
Ngayong kapiling ka buhay ay kay saya, pag-ibig na walang hanggan
Tukso ay aking iiwasan, ang puso mo ay iingatan
Kahit noon pa man at magpakialanman
Tayo’y binalot ng pagmamahal
Kahit noon pa man at magpakialanman
Tayo’y binalot ng pagmamahal (Fade)
Feel free to share Pinoy Lyrics Tambayan to everyone who is looking for accurate and reliable song lyrics.
0 comments:
Post a Comment