Lyrics of The OPM Song by Juan Rhyme
Chorus: (Dwin)
Awitin natin ang sariling atin
Mga himig natin at bagong tugtugin
Kay sarap pakinggan, kung naiintindihan ang tunay na laman at kahulugan
Rap Verse 1: (Sagisag)
Ngayon ang oras ng pagbabago,
mga awitin na galling sa puso
mga nilikha mong obrang nagpatunay na Pilipino kat may apat na kulay
Pula, Asul, Puti at Dilaw, tatlong bituin at isang araw
taas noo tayong lahat ay sumaludo
para satin bandila at mga awiting bago
na magbibigay daan tungo sa kaunlaran, patugtugin mo na at ating umpisahan
pagsulat ng talata para sa kamalayan,
para sa bayan at kabataan kaya wag kang magaatubili
subukan mo man at wag magmamadali ang nais kong sabihin ay iisa lang
mahalin mo ang sariling atin at pakinggan tara na
Chorus: (Dwin)
Awitin natin ang sariling atin
Mga himig natin at bagong tugtugin
Kay sarap pakinggan, kung naiintindihan ang tunay na laman at kahulugan
Rap verse 2: (2Young)
Huwag nang mag-luksa at mag-maktol
Ilabas na ang gitara at tambol.
Tayoy mag samasama tawagin na ang tropa
Tayo ay lilikha gagawa ng kanta.
Para sa industriya at para sa ating hinerasyon
na nagsisimula.
na muling bumangon mula sa pagkalunod
galing sa putikan at lalong nahubog.
Ang kamalayan ng bawat musikero, hindi na usapan kung anu ang iyong kurso
Sabayan mo ng kumpas ang bawat mga tono
Wag na tayong magagawan sa isang tono
Kapit kamay at sumabay ka sa kampay
Sa pagbangon wag na tayong hinay hinay
Ito ang handog naming awitn
Filipino music ating tangkilikin.
Chorus: (Dwin)
Awitin natin ang sariling atin
Mga himig natin at bagong tugtugin
Kay sarap pakinggan, kung naiintindihan ang tunay na laman at kahulugan
Rap verse 3: (Mac G.)
ito ba'y kathang isip na mistulang panaginip,
kapag lumubog ka'y hirap na tong masagip,
at tara halika na bigyan nating konting silip,
ang musika sa daanan na masikip,
Subukan mong idilat ang mga matang makislap
mga tangang mailap sa OPM makalanghap
ng awiting tagalong na mula pa sa Pinoy
mga nasimulang tugtugin ay atin nang ituloy
bigyan natin ng kulay ang mundo gamit ang musika,
na parang naglakbay sa hiwaga ng mahika,
ng tugtog ng musikang pinoy,
na mas matibay pa sa mga kongkreto at kahoy,
tila natabunan tayo ng mangilan ngilang dayo,
at napagiiwanan ng mga kalayong ibayo,
ang lapit na ng tugtog pero parang ang layo satin,
sa mundo ng opm tara na't sumama samin.
Chorus: (Dwin)
Awitin natin ang sariling atin
Mga himig natin at bagong tugtugin
Kay sarap pakinggan, kung naiintindihan ang tunay na laman at kahulugan (Repeat two times)
CODA:
Awitin natin! ang sariling atin!
Ating tangkilikin ang sariling musika na di natatabunan ng kutlura ng mga banyaga!
Feel free to share Pinoy Lyrics Tambayan to everyone who is looking for accurate and reliable song lyrics.
0 comments:
Post a Comment