Lyrics of Sirena by Gloc-9
[Ebe Dancel:]Ako'y isang sirenaKahit anong sabihin nila ako ay ubod ng gandaAko'y isang sirenaKahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumbaDrum na may tubig ang sinisisidNaglalakihang mga braso, saki'y dumidikdikDrum na may tubig ang sinisisidSa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib[Gloc 9:]Simula pa nang bata pa ako,Halata mo na kapag naglalaroKaya parang lahat ay nalilito,Magaling sa chinese garter at pikoMga labi ko'y pulang pula,Sa bubble gum na sinapaPalakad-lakad sa harapan ng salamin,Sinasabi sa sarili "ano'ng panama nila?"Habang kumekembot ang bewang,Mga hikaw na gumegewangGamit ang pulbos na binili kay Aling BebangUpang matakpan ang mga pasa sa mukhaNa galing sa aking amaNa tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayanLaging nalalatayan,Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayanNa imbes na tumigas ay tila lalong lumambotAng puso kong mapagmahalParang pilikmatang kulot.[Ebe Dancel:]Ako'y isang sirenaKahit anong sabihin nila ako ay ubod ng gandaAko'y isang sirenaKahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumbaDrum na may tubig ang sinisisidNaglalakihang mga braso, saki'y dumidikdikDrum na may tubig ang sinisisidSa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib[Gloc 9:]Hanggang sa naging binata na akoTeka muna mali, dalaga na pala 'toPero bakit parang lahat ay nalilito pa rinAno bang mga problema nyo?Dahil ba ang mga kilos ko'y iba,Sa dapat makita ng inyong mataSa tuwing nanonood ng liga laging natutulalaKahit di pumasok ang bola ako'y tuwang-tuwaKahit kinalyo na sa tapang, kasi ganun na lamangAkong paluin ng tubo kahit kinakalawangTama na naman itay, di na po ako pasawayDi ko na po isusuot ang lumang saya ni inayKapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambonIniisip ko na lamang na baka ako'y amponKasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banatAng inaabot ng ganda kong pang-ilalim ng dagat[Ebe Dancel:]Ako'y isang sirenaKahit anong sabihin nila ako ay ubod ng gandaAko'y isang sirenaKahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumbaDrum na may tubig ang sinisisidNaglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdikDrum na may tubig ang sinisisidSa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib[Gloc 9:]Lumipas ang mga taon, nangagsipag-asawaAking mga kapatid, lahat sila'y sumamaNagpakalayo-layo ni hindi makabisitaKakain na po itay, nakahanda na'ng lamesitaAkay-akay sa paglakad paisa isang hakbangNgayo'y buto't balat ang dati matipunong katawanKaya sa iyong kaarawan, Susubukan kong palitanAng lungkot na nadarama, wag na po nating balikanKahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancerKasi dahil ang tagapag-alaga mo'y naka-dusterIsang gabi, ako'y iyong tinawag, lumapitAko sa'yong tabi ika'y tumangan, kumapitKa sa aking kamay kahit hirap magsalitaAnak, patawad sana sa lahat ng aking nagawaDi sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukhaDahil kung minsan mas lalaki pa sa lalaki ang bakla[Ebe Dancel:]Drum na may tubig ang sinisisidNaglalakihang mga braso, saki'y dumidikdikDrum na may tubig ang sinisisidSa patagalan ng paghinga,Sa'kin kayo ay bibilibAko'y isang sirenaKahit anong gawin nilaBandera ko'y di tutumba...
Feel free to share Pinoy Lyrics Tambayan to everyone who is looking for accurate and reliable song lyrics.
0 comments:
Post a Comment